-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalake sa pamamaril patay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Lizaldy Mencias, 40 anyos, may asawa, payong-payong driver at residente ng Barangay Batiocan Libungan Cotabato.

Ayon sa report ng Libungan PNP na papauwi na ang biktima sa kanilang tahanan galing sa pamamasada ng ito y pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Libungan PNP sa pamamaril patay sa biktima.