Inanunsyo ni PBA Commissioner Willie Marcial noong Abril 16, ang pagpapaliban ng PBA All-Star festivities na nakatakdang maganap sa Davao mula Mayo 1-4, dahil sa mga isyu sa seguridad at scheduling concerns.
Ayon kay Marcial, tinimbang nila ang kaligtasan at kapakanan ng nakararami kaya’t ipinagpaliban ang event.
Hindi na binanggit ni Marcial ang mga detalye ng mga isyu, ngunit ang iskedyul ng All-Star ay isang linggo bago ang midterm elections. Sinabi rin niya na ang liga ay nagsusuri ng ibang posibleng lugar na pwedeng mag-host ng All-Star, partikular sa Visayas.
Gayunpaman, kung hindi ito maayos sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng Holy Week, maaring makansela ang All-Star sa taong ito.
Mababatid na noong nakaraang taon, ang PBA All-Star ay ginanap sa Bacolod City.