-- Advertisements --
Labis ang pagdadalamhati ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa pagpanaw ni Alfonso “Boy” Marquez sa edad 82.
Ang two-time Olypian ay pumanaw noong Abril 15.
Sa kalatas na inilabas ng SBP, na isa si Marquez sa naging pondasyon ng basketball sa bansa at ang kontribusyon nito ay hindi matatawaran.
Itinuring naman ng PBA na isa sa pinakamagaling na manlalaro sa PBA ang pumanaw na olympian.
Naglaro sa University of Visayas si Marquez noong 1960 at 1968 Olympic Games na kabilang sa national team ng manalo sila ng gold medal sa 1962 Asian Games.
Kabilang din siya ng manguna ang bansa sa FIBA Asia Championship sa Manila.