-- Advertisements --

Binigyan ng Philippine Basketball Association (PBA) ng tig-P100,000 ang bawat miyembro ng Gilas Pilipinas matapos na makuha ang gold medal sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kabilang na nabigyan ng cash incentives ang mga manlalaro ng 3×3 basketball.

Kinabibiblangan ang Gilas Pilipinas team nina: Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Troy Rosario, Chris Ross, Greg Slaughter, Christian Standhardinger, LA Tenorio, at Matthew Wright.

Habang ang mga miyembro ng 3×3 basketball ay sina Chris Newsome, CJ Perez, Jason Perkins at Mo Tautuaa.

Ang nasabing cash incentives ay bukod pa sa nakasaad sa batas na mayroong tig-P75,000 na makukuha ang mga manlalaro sa isang koponan na mayroong mahigit limang mga miyembro.

Magugunitang nangibabaw ang Gilas Pilipinas sa ika-18 pagkakataon sa nasabing malaking torneyo.