-- Advertisements --

Suportado ng mga coaches ng PBA ang pagpapaiksi ng season dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na matatagalan pa bago bumalik sa normal ang lahat kaya maganda ang naging desisyon ng PBA board na paiksihin ang nasabing PBA season.

Tama lamang aniya ang naging desisyon ng PBA.

Kahalagahan naman sa kalusugan ng mga manlalaro ang nakikitang dahilan ni TNT consultant Mark Dickel kaya suportado nito ang naging desisyon ng PBA board.

Magugunitang inihayag ni Commissioner Willie Marcial na balak nilang gawing dalawang season lamang ang PBA dahil sa pagkansela ng mga laro bunsod ng ipinatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Kanilang titignan ang sitwasyon hanggang Abril 30 kung mapapalawig pa ang nasabing enhance community quarantine.