Pag-uusapan nina PBA Commissioner Willie Marcial at Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang magiging schedule ng national basketball team, at ng buong liga.
Ayon kay Commissioner Marcial, nais niyang maka-usap si Coach reyes upang plantsahin na ang magiging plano nila, lalo na sa kung kakailanganin pa ang tulong ng iba pang mga PBA players para sa kampanya nila para sa FIBA, at iba pang International competition.
Nais aniya ng PBA na tulungan si Coach Reyes sa ginagawang selection, pagsasanay, at pagsasapinal sa mga bubuo kanyang Gilas team. Maaaring sa susunod na buwan ay gagawin na ang pag-uusap sa pagitan ng dalawa.
Sa oras na makapag-usap na ang dalawa ay malalaman na kung ano ang magiging setup ng PBA sa darating na season. Maliban dito, maaari ring ilalabas na pagkatapos ang bubuo sa Gilas na sasabak sa FIBA.
Samantala, isa sa mga pinaplano sa ngayon ng PBA Commissioner ay ang posibleng pagdaraos ng two-conference format o ng karaniwang tatlong kumperensiya kada season. Isinasapinal na rin ng liga ang posibilidad ng pagsisimula ng liga sa buwan ng Octubrem para sa 48th season.