-- Advertisements --

Bukas ang PBA na ipamahagi sa ibang liga ang ginawa nilang paghawak ng bubble games.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na handa itong ipamahagi kung paano nila sinimulan ang nasabing kaparaanan para hindi magkahawaan ang mga manlalaro at mga staff.

Ilan sa posibleng magsagawa ng bubble games ay ang Philippine Football League at Premier Volleyball League.

Nagsagawa na ang PFL ng kanilang bubble game sa Carmona, Cavite habang balak ng PVL na magsagawa ng bubble sa Trace College o sa Inspire Sports Academy sa Laguna bilang lugar na paggaganapan ng bubble.

Nakatakdang magsimula ang PBA ng bagong season sa Abril dalawang buwan matapos ang Asia Cup qualifiers para mabigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro na makasali sa national team.