-- Advertisements --

Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.

Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.

Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na sana ay payagan na silang magkaroon ng mga audience sa mga laro.

Napayagan na rin aniya ang mga sinehan kaya susubukan nilang makahingi ng permit para payagang magkaroon ng mga audience ang mga laro.

Magugunitang pinayagan lamang ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng mga contact-sports kapag ito ay isasagawa sa bubble-format.