Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan.
Tikom din ang bibig ni Marcial kung mayroong silang ipapataw na kaparusahan kay Amores o tuluyan ng sibakin sa PBA.
Nahaharap kasi sa kasong attempted murder si Amores dahil sa pamamaril sa isang Lee Cacalda matapos na makaalitan nito sa larong basketball sa Barangay Maylatang Uno, Lumban, Laguna.
Nitong Huwebes ng umaga ng sumuko si Amroes kasama ang 20-anyos na kapatid nito na nakitang nagmamaneho ng motorsiklo.
Bagamat walang nasaktan sa insidente ay desidido ang biktima na kasuhan ng tuluyan si Amores.
Si Amores na dating manlalaro ng Jose Rizal University at siya pinatawan ng ban ng NCAA matapos na suntukin ang apat na manlalaro ng De La Salle-Colleg of St. Benilde noong 2022.
Bagamat sa nasabing insidente ay kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round ng 2023 PBA Rookie Draft.