-- Advertisements --
Opisyal na ng ipinakita ng PBA ang logo ng kanilang 50th anibersaryo.
Ang nasabing logo ay nabalot sa gold na nagpapakita ng isa sa mga pinakamatagal na liga sa bansa na nagsimula pa noong 1975.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na magsasagawa ang liga ng ilang mga festivities sa pagsisimula ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.
Pagdating naman ng Abril 4 at 5 sa Philippine Cup ay naka-embed na ang gold logo nila.
Sa Abril 9 kung saan ang taon na itinaguyod ang liga ay magsasagawa sila ng pagdiriwang bukod pa sa grand opening ng Season 50 ng PBA sa Oktubre 5 na gaganapin sa Araneta Coliseum.