-- Advertisements --

Napili bilang maging chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na makakasama nito si sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang magiging deputies ni Loyzaga para sa torneo na magsisimula sa Mayo 16 hanggang 23.

Sinabi nito na kaya nila napili ang nasabing mga opisyal ay dahil sa pagiging magandang paghawak nila ng kanilang kaniya-kaniyang national sports associations.

Si Loyzaga kasi ngayon ay siyang namumuno ng Philippine Amateur Basketball Association na naging chef de mission na rin ng Team Philippines noong 2010 Asian Beach Games.