-- Advertisements --
ricky PBA

Naging emosyunal sa kanyang pagbabahagi sa pamamagitan ng Facebook ang isa sa PBA legend, ang Filipino American guard na si Ricky Brown dahil sa pagpanaw ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.

Si Cojuanggo, 85, ay kabilang sa naging prominenteng sports patron ng bansa lalo na sa larangan ng basketball.

Bilang chairman ng San Miguel Corp. naging “Godfather” siya noon ng Northern Consolidated team na nagdala ng ilang Filipino American players upang maging bahagi ng national team.

Kabilang na noon si Brown na ang ina ay isang Pinay.

Si Brown ay kinikilala sa kasaysayan ng Philippine basketball bilang isa sa best players na naglaro sa kauna-unahang professional basketball league sa Asya. Nasama na rin siya sa mga nadeklara na mga players sa Hall of Fame.

ricky fox

Sa kanyang Facebook page nagbigay pugay si Brown sa kanyang malaking utang na loob kay Danding na siyang nagdala sa kanya sa Pilipinas at maglaro sa hometown ng kanyang ina.

“Thank you for everything you did for me, Boss. You know my heart was with you from Day One when I got off that planeā€¦ and stepped on Philippine soil for the first time. My loyalty to you was second to none.”

Naikuwento rin ni Brown, 63, na nakilala rin sa bansag na “the Quick Brown Fox” dahil sa tindi ng kanyang shooting abilities, kung paano siya lumipat sa PBA mula sa ilalim ng team ni Cojuangco.

“I told you how special you are to me and I’ll be indebted to you forever. May you now Rest in Peace, Boss Danding. God Bless you, Sir.”

Ricky Brown FB post

ricky brown FB