-- Advertisements --

May ilang pagbabago na gagawin ang Philippine Basketball Association (PBA) sa pagsisimula ng Season 49.

Ayon sa bagong halal na PBA chairman na si Ricky Vargas na magkakaroon ng ng 4 points rule.

Magsisimula itong ipatupad sa Governor’s Cup kung saan ang anumang pagpasok ng bola sa may 27 talampakan mula sa basket ay magiging 4 points na.

Paglilinaw nila na mananatili pa rin ang three-point line o may layong 23 talampakan ay mananatili pa rin.

Una ng ipinakilala ang nasabing panuntunan noong nakaraang taon sa isinagawang All-Star Game sa Iloilo City at mula noong ay nagustuhan ito ng mga opisyal ng PBA.