-- Advertisements --

Magpapamigay ang Philippine Basketball Association (PBA) ng libreng tickets kapag nakakuha na sila ng go-signal sa gobyerno na puwede na silang magsimula sa 2021 Governor’s Cup.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na susulat sila sa Inter-Agency Task Force tungkol sa nasabing plano.

Ang pamimigay ng mga tickets at ibang mga promos ay kanilang naisip na gimmicks para mga PBA fans na hindi nila nakasama ng halos dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Tatalakayin din nila sa IATF kung ilang fans o seating capacity ang kanilang papayagan na manood ng live sa mga laro sa PBA.