-- Advertisements --

Nakumpleto na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang listahan ng mga all-time great na bubuo sa 50 Greatest Players sa kasayayan ng liga.

Ginawa ito ng PBA, bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-50 season ng liga.

Ilan sa mga napabilang sa listahan ng mga pinakamagagaling na Pinoy basketball players ay sina Nelson Asaytono, Jeffrey Cariaso, Bong Hawkins, Abe King, June Mar Fajardo, Danny Seigle, Scottie Thompson, Manny Victorino atbpa.

Taong 2000 noong pinangalanan ng PBA ang 25 Greatest players nito, kasabay ng ika-25 season ng liga.

Sa naturang listahan, kasama dito sina Kenneth Duremdes, Jojo Lastimosa, Samboy Lim, Ronnie Magsanoc, Benjie Paras, atbpa.

Unang itinatag ang PBA noong 1975. Ito ang kauna-unahang professional basketball league sa Asia at ikalawang pinakamatandang liga sa buong mundo, kasunod ng National Basketball Association(NBA).

Sa kasalukuyan, ang bawat PBA season ay binubuo ng tatlong tournament na kilala sa tawag na conference: Philippine Cup, Commissioner’s Cup, at Governor’s Cup.