-- Advertisements --

Niluwagan ng Philippine Basketball Association (PBA)a ang eligibility rules para sa mga Filipino-foreign prospects.

Ayon sa kalatas na inilabas ng PBA na kailangan lamang na isang Philippine passport holder ang isang manlalaro para maging eligible ito sa rookie draft.

Ang nasabing hakbang ay magbubukas ng pinto sa mas maraming mga overseas-born rookie prospects.

Magugunitang maraming mga Pinoy basketball players na isinilang sa ibang bansa ang nadismaya na hindi mapabilang sa PBA dahil sa ginagawang paghihigpit ng gobyerno para sila ay makakuha ng citizenship papers.