-- Advertisements --
Papayagan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang panonood ng mga audience sa darating na Pebrero 16.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ito ang naging desisyon nila matapos na 100% na mga manlalaro nila ay bakunado na sa COVID-19.
Aabot na rin sa 95 percent rin sa mga manlalaro ang nakatanggap na rin ng booster shots laban sa COVID-19.
Isa rin dito ang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.
Nararapat na rin aniya na bumili sa online ang mga nais manood ng laro ng PBA sa Araneta Coliseum.