-- Advertisements --

Nagnegatibo sa hair follicle drug test si PBA party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles.

Ibinahagi nito ang resulta ng kaniyang drug test isang araw matapos na ibahagi rin ni Davao City 1st. District Rep. Paolo Duterte ang resulta ng kaniyang drug test.

Bukod pa sa drug test ay ibinahagi rin ito na negatibo rin ang kaniyang pregnancy test at maging ang kaniyang IQ Test dahil sa kumalat umano usapin.

Magugunitang nagkahamunan sina Duterte at Nograles na sumailalim sa drug test dahil kapwa maghaharap ang dalawa sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Davao City.