-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ibinunyag ng mga Barangay Captain ng Lungsod ng Davao, na PBA party list ang nasa likod ng signature campaign para sa Peoples Initiative kapalit ng 4,000 hanggang 6,000 pesos na financial assistance.

Sa isinagawang public hearing ng committee on electoral reforms and peoples participation sa pangunguna ni senator Imee marcos na ginanap dito sa lungsod ng Dabaw, i prenesenta ni Brgy capt Rene Estorpe ng Brgy centro agdao ang mga papel kung saan nakapirma ang halos 250 na mga residente ng kanilang barangay.

Itinuturo ni kapitan Estorpe ang nag-ngangalang Benzar Yap, PBA Party list district coordinator umano ng Davao City ang siyang pasimuno ng naturang listahan sa mga barangay na ipinapalat sa mga barangay kung saan pinapangakuhan ng ayuda at food packs ang mga pipirma nito.

Hindi lamang mga taga Davao City ang biktima ng panlilinlang dahil kahit na si Davao del Norte Goveror Edwin Jubahib kasama ang mga wintnesses nito ang nagpapatunay na may pinapakalat na mga pirma para sa Peoples Initiative.

Dahil dito nawagan si senador Imee Marcos na tuluyan nang ibasuta ang charter change sa pamamagitan ng Peoples initiative, sa halip na i-suspende ito.

Kasama ni senador Imee marcos sa ginanap na pangalawang public hearing sila senator Bong Go at senador Ronald Bato dela Rosa na pawang mga taga Davao City.

Samantala, ikinatwiran ngn senadora na isinagawa nila ang ika-lawang public hearing ng Peoples Initiative dito sa Davao city dahil naitala dito ang maraming mga biktima at panloloko sa publiko sa signature campaign.