-- Advertisements --
Pinayagan na ng PBA Commissioner’s Office na makasali sa ensayo ng Phoenix Pulse ang suspendidong manlalaro nito na si Calvin Abueva.
Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ng Pulse forward player kay PBA commissioner Willie Marcial kasama si Phoenix team manager Paolo Bugia, PBA technical directo Eric Castro at legal counsel Melvin Mendoza.
Hindi naman binanggit kung kailan ang tuluyang pagbabalik nito sa paglalaro sa PBA.
Ayon kay Marcial na hiniling ni Abueva na makasali sa ensayo ng koponan dahil ito ay tumataba na matapos na masuspendi ng mahigit tatlong buwan.
Magugunitang sinuspendi si Abueva matapos ang alitan kay TNT import Terrence Jones.