-- Advertisements --

Sumuko na sa kapulisan si PBA player John Amores matapos na masangkot umano sa pamamaril.

Nakuha sa CCTV footage ang basketbolista na bumaba sa motorsiklo na minamaneho ng 20-anyos na kapatid nito sa Barangay MayTalang I ng alas-5 ng hapon nitong Miyerkules.

Makikta na pagkababa ni Amores ay bigla nal lamang binaril ang lalaki na tumatakbo.

Sinabi ni Police Major Bob Louis Ordiz, chief of police of Lumban Municipal Police Station, na bago ang insidente ay may nakaalitan si Amores sa isang basketball sa Barangay Salac.

Nitong Huwebes ng madaling araw ng sumuko ang basketbolista kasama ang kapatid.

Si Amores na dating manlalaro ng Jose Rizal University at siya pinatawan ng ban ng NCAA matapos na suntukin ang apat na manlalaro ng De La Salle-Colleg of St. Benilde noong 2022.

Bagamat sa nasabing insidente ay kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round ng 2023 PBA Rookie Draft.