-- Advertisements --

Pansamantalang nakalaya matapos na magbayad ng piyansa si PBA player John Amores at kapatid nito.

Nahaharap sa reklamong attempted homicide sa Lumban municipal trial court ang magkapatid na Amores kung saan nagbayad ng P24,000 si Amores habang P10,000 naman sa kapatid nito.

Una ng sumuko ang magkapatid nitong umaga ng Huwebes matapos na masangkot sa pamamaril noong Miyerkules dahil sa awayan sa pustahan sa basketball.

Nakita ang magkapatid sa CCTV na habang nakamotor ay kanilang hinabol at pinagbabaril ang biktimang nakilalang si Lee Calcada.

Hindi naman nagtamo ng sugat ang biktima subalit desidido ang pamilya nito na tuluyang sampahan ng kaso ang inireklamong suspek.

Ipinaliwanag naman ni Police Major Bob Ordiz ng Lumban Police na kahit na nagnegatibo sa gunpowder residue si Amores ay lusot na ito sa pamamaril dahil may ibang factors kung bakit walang presensya ng gun nitrate ito sa kamay.

Itinakda naman sa darating na Disyembre 4 ang arraignment at pre-trial sa kaso ng magkapatid.