-- Advertisements --

Pinaghahanap na ngayon ng mga kapulisan ng Lumban, Laguna si PBA player John Amores matapos na ito ay nasangkot sa insidente ng pamamaril.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan ay nakaalitan ni Amores ang biktimang si Lee Cacalda sa isang laro sa basketball sa Barangay Salac.

Nagkasundo ang dalawa na lumabas hanggang sinundan ng biktima ang suspek sa Barangay Maytalang Uno.

Matapos ang pagbaba nila sa motorsiklo ay biglang binaril ng suspek ang biktima gamit ang hindi malamang kalibre ng baril.

Hindi naman tinamaan ang biktima habang tumakas ang basketbolista.