-- Advertisements --
Nakatakdang pulungin bukas, araw ng Martes ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga player representatives mula sa 12 teams para pag-usapan ang posibleng pagbabalik ng mga practice sa susunod na buwan.
Ayon kay Marcial, dalawang players kada team ang inaasahang dadalo sa pulong sa lobby ng PBA Office sa Libis, Quezon City.
Dito ay hihingin ng PBA ang opinyon ng mga players kaugnay sa nasabing isyu.
Sa ngayon, wala pang balita ang PBA kung aprubado na ng Inter-Agencya Task Force ang isinumite nilang proposed guidelines para sa pagbabalik ng mga team practice.
Samantala, sinabi ni Marcial na pagkatapos ng mga players, ang mga PBA coach naman ang susunod na pupulungin.