Dapat umanong magpatupad ng malaking mga adjustments ang mga basketball officials ng Pilipinas para mahinang nang husto ang mga manlalalaro ng national men’s basketball team.
Suhestiyon ito ni dating Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao kasunod ng makakadismayang performance ng mga Pinoy sa 2019 FIBA World Cup.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP), sinabi ni Guiao na dapat ay paikliin ang schedule ng PBA upang magtugma sa schedule naman ng Gilas, lalo pa’t ipinapatupad ngayon ng FIBA ang home-and-away format sa qualifiers.
Maliban pa rito, inihayag ni Guiao na dapat daw ay magsanay sa Europe ang mga miyembro ng national team tuwing offseason.
Paliwanag ng beteranong coach, hindi na raw kasi ang Amerika ang mecca o sentro ng basketball kundi ang Europe.
Inamin naman ni Guiao na ang schedule ng PBA at ang kawalan ng mahabang training camp ang naging malaking hamon sa preparasyon ng Pilipinas para sa World Cup.
Gayunman, tinanggap raw niya ang mga limitasyon kahit na sa umpisa pa lamang ay batid na niya ang mga limitasyon.