-- Advertisements --

Lumipat na sa mas malakas na team na Magnolia Hotshots si Calvin Abueva matapos itong i-trade ng Phoenix Fuel Masters.

Kapalit ng tinaguriang “The Beast” sa Fuel Masters si Chris Banchero kasama pa ang first at second round picks ng ngayong taon na rookie draft.

Batay sa ulat, hawak ng Phoenix ang first-round pick ngayong March 14 drafting at 10th overall.

Aprubado na rin ng PBA committee ang ginawang trade.

Sa isang pahayag, sinabi ng Fuel Masters na hindi madali ang naging pagpapasya tungkol sa kapalaran ni Abueva.

Pero sa ngayon, excited na raw ang koponan sa pagdating ni Banchero at maging sa pagkakakuha ng first-round pick.