-- Advertisements --
kOBE pba

Hindi rin nagpahuli ang mga local basketball stars at celebrities sa pagpapaabot ng kanilang pagkalungkot sa biglaang pagkamatay ng NBA legend na si Kobe Bryant.

Ilan sa mga PBA players ay nakadaupang personal sa ilang beses na pagbisita sa Pilipinas ng tinaguriang the Black Mamba.

Mistulang suki na rin si Bryant sa Pilipinas na anim na beses na nagpabalik balik.

Hindi makapaniwala ang binansagang “Cebuano hotshot” at ngayon ay Cebu City councilor na si Dondon Hontiveros sa pagkamatay ni Kobe.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, inalala ni Hontiveros ang one-on-one nila noon sa PBA exhibition game.

Dagdag pa ng dating PBA star, napakamapagpakumbaba na tao si Kobe at walang kaarte-arte.

Para naman kay Keifer Ravena, sa kanyang Twitter message si Kobe raw ang kanyang dahilan kung bakit siya naglalaro at kung bakit nais niyang maging magaling sa sports.

“Lost for words. No the news i wanted to hear when i woke up. 😭 Life’s short man. Appreciate everybody around you to the fullest! Do not take anything for granted. You were one of the reasons i played the sport, Kobe. You are the reason why i want to be great.”

Sinabi naman ni Bobby Parks Jr. hanggang ngayon ay hindi pa siya makapaniwala sa pagpanaw ni Bryant na higit pa sa basketball.

“More than basketball, He is a father🥺..i just cant fathom things right now..like this cant be real..my sincerest condolences to the Bryant family..May God give you strength, peace and comfort in these tough times”

Ito rin naman ang saloobin na ipinaabot ni dating national head coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes. “Still can’t believe it until now.”

CHOT KOBE

Si Joe Devance naman ay hindi napigilang maiyak sa masamang balita.

Si Mark Caguioa ay nagpasalamat sa pagiging inspirasyon ng basketbolista.

“I will surely miss you @kobebryant thank you for inspiring me throughout my career 🙏🙏🙏”

Si Gabe Norwood at Chris Ross ay panalingin naman ang inialay sa trahedya na dinanas ng pamilya ni Bryant.

Ang singer-composer na si Gary Valenciano ay nagbalik tanaw dahil napanood pa niya ang huling laro noon ni Kobe kung saaan naka-score ito ng 60 points.

“I watched his last game. I sensed it would be one for the books and it certainly was. Kobe made 60pts to lead the Lakers to a victory. So I took it upon myself to take some of these shots of a truly memorable game as he bid farewell to basketball. Now we all bid farewell to you @kobebryant. Thank you for the years of passion you put in to the game of basketball; lessons we all can apply to the game of life.”

Sina Bianca Gonzales at Anne Curtis-Smith ay nagbigay pugay din sa iniwang
legacy at impact ni Bryant.

GARY V KOBE BRYANT.