-- Advertisements --

Makikipagpulong sa Mayo 1 si PBA commissioner Willie Marcial sa mga local officials ng Batangas para pag-aralan kung maari silang mag-ensayo sa nasabing lugar.

Ito ay kasunod na pinalawig pa ng gobyerno ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite ng hanggang Mayo 14 habang ang Batangas ay nasa general community quarantine.

Kakausapin niya si Mayor Beverley Dimacuha kasama sina Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua para sa nasabing planong ensayo.

Paglilinawn naman ni Marcial na hindi bubble ang gagawi doon dahil uuwi rin ang mga manlalaro matapos ang ensayo.

Nauna ng sumulat ang PBA sa gobyerno kung maari na silang magsimulang mag-ensayo kapag naluwagan na ang quarantine.