Ikinokonsidera ngayon ng pamunuan ng PBA ang pagbuo ng isang bubble system ng paglalaro para sa muling pagpapatuloy ng kanilang ika-45 season.
Sa virtual forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA), sinabi ni PBA chairman Ricky Vargas, gagawin nilang model ang NBA para ituloy nang muli ang 2020 season na sinuspinde dahil sa COVID-18 pandemic.
“My own feeling as part of the board as chairman is we don’t have a choice. May model na eh. The model is the NBA and we should just go ahead and move forward and look forward to the time na maglalaro tayo whether it’s an NBA way or a more innovative way,” wika ni Vargas.
Paglalahad pa ni Vargas, may ilang mga lokasyon na silang pinagpipilian para sa itatayong bubble site, gaya ng Araneta sa Cubao, Quezon City; Clark, Pamapanga, at sa lungsod ng Calamba, Laguna.
Inamin naman ni Vargas na posibleng maharap sa problemang pinansyal ang PBA dahil sa naturang setup.
“There is going to be pressure financially for the teams if this goes on for a longer period of time. Not only for the teams but for PBA itself,” ani Vargas.
Tatalakayin umano ang pinaplanog bubble sa gagawing board meeting ng liga ngayong linggo.