-- Advertisements --
Pumayag na ang Starhorse Shipping Lines na hawakan ang prankisa ang Terrafirma.
Ayon sa PBA, magsisimula ng kontrolin ng nasabing kumpanya ang koponan sa pagtatapos ng kasalukuyang PBA season.
Tatapusin lamang ng Dyip ang season-ending na Philippine Cup bago tuluyang mamaalam sa siyam na taong pananatili sa liga.
Kinakailangan pa ng pag-apruba ng Board of Governors na mayroong two-thirds votes ang nasabing pag-take over ng koponan.
Noong nakaraang mga araw ay nagkaroon na ng pag-uusap ang PBA Officials sa mga opisyal din ng Terrafirma ukol sa nasabing pagpapalit ng pangalan.