-- Advertisements --

Tiniyak ng PBA na agad nilang susundin ang desisyon ng Games and Amusement Board (GAB) na tuluyang pagkansela ng playing license ni NorthPort shooting guard John Amores.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na matapos na matanggap nila ang desisyon na pirmado ni GAB Chairman Atty. Francisco Rivera ay kanilang agad itong ipinatupad.

Nasa ilalim kasi ng GAB ang PBA kaya mahalaga ang nasabing pagsunod dito.

Magugunitang pansamantalang nakalaya si Amores at kapatid nito matapos na masangkot ang mga ito sa pamamaril sa Laguna.

Una ng pinatawan si Amores ng one-conference ban.

Taong 2022 ng masangkot na rin si Amores sa gulo noong ito ay varsity player ng Jose Rizal University at sinuntok ang manlalaro ng College of St. Benilde kaya ito ay na-banned sa NCAA.