-- Advertisements --

Itinalaga para maging coach ng Gilas Youth si dating PBA player LA Tenorio.

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagkakapili kay sa veteran guard ng Ginebra na mamuno ng Gilas Pilipinas Youth Program.

Sinabi ni Tenorio na nakakadama ito ng pressure sa pagturo ng junior basketball program ng national team.

Dagdag pa nito na hindi basta mapantayan ang mga tagumpay na nagawa ng papalitan niyang coach na si Josh Reyes.

Ang pagkakatalaga kay Tenorio ay ang plano ng SBP na iayon ang programa ng Gilas Youth sa Gilas Pilipinas sa pamumuno naman ni Tim Cone.