-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na magpapatuloy pa rin ang paglalabas sa 2022 at 2023 performance-based incentive(PBI) para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ginawa ng DBM ang paglilinaw kasunod na rin ng unang pagsuspinde ni PBBM sa implementasyon ng Results-Based Performance Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System noong June 3.

Batay sa inilabas na statement ng DBM, nakasaad dito na matutuloy pa rin ang paglalabas ng PBB para sa mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan.

Ayon sa ahensiya, ang ginawang pagsuspinde sa dalawang sistema ay dahil sa kautusan ni PBBM na pag-aralang muli o i-review ang bonus system na ipinapatupad para sa mga empleyado ng pamahalaan at maayos ang buong proseso dito.

Target kasi sa isasagawang review na maging mas episyente ang pagbibigay insentibo o bonus sa mga empleyado.

Maliban sa performance-based incentive ay tuloy din umano ang paglalabas ng Performance Enhancement Incentive(PEI) na bahagi rin ng PBI.

Ang PEI ay P5,000 na insentibong ibinibigay sa mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan bago ang Disyembre-15 kada taon.