-- Advertisements --

Agaw pansin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ginanap na traditional family photo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia.

Nakasuot kasi ang pangulo ng national attire ng bansa na barong Tagalog habang ang mga kasama niya na mga ASEAN leaders ay pawang naka three-piece na mga Amerkana o suit.

Ang family photo ay isinagawa sa opening ceremony ng 40th at 41st ASEAN Summit and related meetings kung saan ang Pangulong Marcos at si First Lady Liza Araneta-Marcos ay tinaggap ni Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Sinasabing kabilang naman sa ipinamigay ni Hun Sen bilang token ay mga special-edition na mga relo para kay US President Joe Biden at sa iba pang mga leaders na dumadalo sa ASEAN Summit.