Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hirap siyang makakuha ng totoong sagot kaugnay sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at China.
Ayon kay Pangulong Marcos marami kasing mga palusot dahil iba iba ang sagot na dumarating sa kaniya.
Inihayag ng Punong Ehekutibo na naka-usap na niya ang mga dating opisyal ng administrasyong Duterte hinggil dito subalit walang malinaw na sagot.
Binigyang-diin ng Pangulo na naniniwala siyang mayruong secret deal sa pagitan ng dating administrasyon at China dahil iginigiit ito ng Beijing.
Nais ng Pangulo mabatid ang katotohanan kaya pinatatawag niya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang linawin kung ano ang napagkasunduan.
Muling binigyang-diin ng Pangulo na hindi nito isusuko kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa.