Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inirekomenda ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pag dedeklara ng state of calamity sa buong Metro Manila.
Ito ay dahil sa matinding epekto ng bagyong Carina na pinalakas pa ng hanging Habagat.
Ginawa ni Secretary Abalos ang kaniyang rekumendasyon sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa NDRRMC.
Ayon sa Pangulo, nakatakdang mag convene ang Metro Manila Council mamayang hapon upang pagtibayin ang pagdeklara ng state of calamity.
Dagdag pa ng Presidente, nauubos na rin ang reserved funds ng mga local government units kaya kailangan na nila ng tulong mula sa national government.
Bukod sa Metro Manila, magdedeklara din ng state of Calamity sa Calabarzon region.
Sa panayam kay Abalos, sinabi nitong malaking bahagi na ng Metro Manila ang lubog sa baha lalo na sa CAMANAVA area partikular ang Caloocan, Malabon at Navotas.
Sa oras na maideklara ang state of calamity, magagamit ng mga LGU ang kanilang calamity fund.