-- Advertisements --

Nagpulong Sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa Malakanyang.

Ayon sa Presidential Communications Office, tinalakay ng dalawa ang pakikipagtulungan sa Tony Blair Institute for Global Change sa iba’t ibang mga inisyatibo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaharap Sina Pangulong Marcos at Blair.

Nuong January 17, 2023 ay nagkita na Ang dalawang lider sa World Economic Forum bilang sideline ng dinaluhang event ni Pangulong Marcos.

Unang nagkita ang dalawa nuong September 2022 at Ng ito ay ng nagkaruon ng anim na araw na official visit ang Pangulo sa New York.

Kanilang napag- usapan ang ukol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), food security, climate action at tungkol sa trade.