Magpupulong ngayong araw sina Pang. Ferdinand Marcos Jr., at Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan magko compare ng notes ang dalawa.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Secretary Cesar Chavez.
Ayon kay Chavez pag-uusapan nina PBBM at ES Bersamin ang magiging agenda para sa kauna unahang full cabinet meeting para sa taong 2025.
Hindi naman sinabi ni Sec. Chavez kung kailan ang nasabing cabinet meeting at ano ang mga isyu na pag-uusapan.
Ngayong araw nasa loob lamang ng Palasyo ng Malakanyang si Pangulong Marcos.
Bukod sa pulong niya kasama si ES Bersamin magkakaroon din ito ng private meetings.
Hindi pa rin naglabas ng iskedyul ang palasyo hinggil sa mga magiging aktibidad ng Pangulong Marcos bukas at sa mga susunod na araw.
Samantala hinimok naman ni Pang. Ferdinand Marcos ang mga Pilipino na maging reflective at growth focused mindset ngayong 2025 na magbabalanse sa realidad ng kahapon at kasalukuyan.
Siniguro din ng Pangulo na magiging produktibo ang kasalukuyang taon lalo at maraming mga programa at proyekto ang nakalinya kung saan mapakikinabangan ito ng taumbayan.