Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga guro dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo kasabay ng pagdiriwang ng 2024 National Teachers Day.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog sa edukasyon ng mga kabataan.
Ipinunto ng chief executive na kung ang hinahangad natin ay makabangon sa larangan ng edukasyon, ang mga guro ang dapat itaguyod at patatagin.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Marcos sa aktibidad.
Ang nasabing event ay culmination program sa paggunita ng National Teachers Month.
Ang tema para selebrasyon ngayong taon ay “Together4Teachers: Appreciation, Admiration, Approval, Attention.
Nasa mahigit 10,000 ngayon ang public school teachers, education stakeholders, DepEd officials at mga local government officials mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Sa panig naman ni Deped Secretary Sonny Angara, kaniyang sinabi na ang significant role ng mga guro ay nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.