-- Advertisements --

Biyaheng Vatican na mamayang gabi si Pang. Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis sa Sabado.

Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec Claire Castro.

Sinabi ni Castro walang magiging pre-departure honor sa pag alis ng Pangulo mamayang gabi.

Hindi rin masabi ni Castro kung sinu sinong mga opisyal ang makakasama ng Pangulo sa kaniyang biyahe.

Hindi rin batid ni Castro kung sino ang magiging care taker ng bansa.

Gayunpaman ayon sa palace official iaanunsiyo ito ng Palasyo bago bumiyahe ang pangulo mamayang gabi.

Ayon kay Castro wala pa siyang ideya kung kailan makakabalik ng bansa ang Presidente at kung may ibang aktibidad pa ito sa Europa.

Si Pope Francis ay ilibing sa Basilica of St Mary Major.

” Mamayang gabi po ang pag-alis po ng first Couple, the funeral will be attended by the First Couple this Saturday, April 26 at iyon lamang po ang maibibigay kong detalye,” pahayag ni USec Castro.”