Puno ang iskedyul ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kabilang na dito ang nakatakdang pulong nila ni UAE President His Highness Sheikh Mohammed Bin Zayed Al Nahyan.
Alas-6:06 kaninang umaga, oras sa Pilipinas o alas-2:06 naman ng madaling araw, oras sa UAE dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.at First Liza Marcos sa United Arab Emirates para sa isang araw na working visit.
Bukod kay President Bin Zayed Al Nahyan ay makakapulong din ng Presidente Ang ilan pang matataas na opisyal ng UAE.
Kabilang dito ang Official meeting kay UAE Vice President His Highness Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum na Siya ring Prime Minister.
Sa kabilang dako ay may aktibidad din si First Liza Marcos sa nasabing working visit na dito ay sasaksihan ng Unang Ginang ang
MOU Signing on Cooperation in the Culture Sector sa pagitan ng National Commission for the Culture at the Arts at ng Ministry of Culture ng UAE.
Pasado alas otso ng Gabi, UAE time at pasado alas-12:00 bukas ng madaling araw , oras sa Pilipinas inaasahan ang departure ng Chief Executive at Unang Ginang pabalik ng bansa.