-- Advertisements --

Pinangunhan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang paglulunsad ng “Lab For All Program” dito sa Pasig alas-10:00 ng umaga nang dumating ang pangulo at ang unang ginang sa Rizal High School para sa programa.

Sa ilalim ng naturang programa ng unang ginang, iniaalok ng libre ang iba’t-ibang serbisyong medical, kabilang na ang laboratory services, x-ray, konsultasyon at gayundin ang mga libreng gamot.

Dumalo rin sina House Speaker Martin Romualdez, Pasig City Mayor Vico Sotto at iba pang opisyal.

Daan-daang residente din ang nakibahagi sa aktibidad sa gymnasium ng Rizal High School.