-- Advertisements --

Ipinagdiwang nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ngayong araw ng Miyerkules ang kanilang ika-31 wedding anniversary.

Sa online post ng unang ginang, kaniyang ibinahagi ang isang collage ng kanilang mga larawan na kinunan noong Abril 1993, Abril 2018 at Abril 2024 na mayroong caption na Happy 31st anniversary.

Binati din ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Marcos sa pamamagitan ng pagbabahagi din ng kaniyang collage ng mga larawan na may caption na “Happy Anniversary”.

Una rito, ikinasal sina PBBM at First Lady Liza Marcos sa Italy noong Abril 17, 1993.

Nabiyayaan ang First couple ng 3 lalaking anak na sina Sandro, Simon, at Vinny.