-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang Office of the President (OP) ang sumagot sa mga hospital bills, utang, at iba pang gastusin na iniwan ng yumaong beteranang aktres at National Artist na si Nora Aunor.

Ayon kay Communications Senior Undersecretary Ana Puod, ang kabuuang halaga ay mula mismo sa personal na pera ng Pangulo, ngunit hindi na ibinahagi ang eksaktong breakdown ng mga binayaran sa ospital.

Bilang National Artist, may karapatan si Aunor na tumanggap ng P200,000 cash award, lifetime monthly stipend na P50,000, at hanggang P750,000 na medical assistance kada taon mula sa estado.

Ang kanyang mga tagapagmana ay makakatanggap din ng isang beses na cash award na hindi bababa sa P150,000.