Nagpulong sina Pang. Ferdinand Marcos Jr., at Singaporean President H.E. Tharman Shanmugaratnam sa Istana, kung saan layon ng nasabing pulong na paigtingin pa at palakasin ang bilateral relationship ng dalawang bansa.
Ito ang kauna-unahang pulong sa pagitan ni Pangulong Marcos at President Tharman, matapos itong mag assume bilang Head of State ng Republic of Singapore nuong nakaraang taon.
Sa nasabing pulong kapwa binigyang-diin ng dalawang lider ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Nasa Singapore ngayon si Pang. Marcos para sa isang working visit.
Nakatakda namang magbigay ng kaniyang talumpati ang Punong Ehekutibo sa international audience sa Shangri-La Dialogue 2024.
Sa nasabing forum muling bibigyang-diin ng Pangulo ang tindig ng Pilipinas sa depensa at diplomasiya.
Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagsalita sa Shangri-La dialogue.