-- Advertisements --

Nakipagpulong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga US lawmakers ng mag-courtesy call ito sa kaniya kahapon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ito ay sina United States Congressional Delegation (CODEL) of the House Committee Affairs; Representative Michael McCaul (Republican-Texas) – Chairman of the House Committee on Foreign Affairs and Chairman Emeritus of the House Committee on Homeland Security at Representative Addison Graves Wilson (Republican-South Carolina) member – House Committee on Foreign Affairs.

Pinasalamatan ng Pangulo ang mga miyembro ng U.S. Congressional Delegation (CODEL) dahil sa kanilang overwhelming support sa US-Philippines alliance.

Pinuri din ni Representative McCaul ang punong ehekutibo dahil sa kaniyang matapang na pahayag sa ginanap na Shangri-La Dialogue sa Singapore nuong buwan ng Mayo hinggil sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa nasabing pulong tiniyak ni McCaul na sisiguraduhin ng US na mabibigyan ng foreign military financing ang Pilipinas para mapalakas pa ang mga kagamitan nito.

Una ng inihayag ng mga US officials na magbibigay ang Amerika ng US$500 million sa Pilipinas bukod pa ito sa US$2.5 billion FMF supplemental budget para sa Indo-Pacific.

Ang pondo na ibibigay ng US sa Pilipinas ay gagamitin para sa modernization Program ng AFP at Philippine Coast Guard (PCG). 

Interesado ang CODELs pakinggan ang mga pananaw, opinyon ng Pilippinas hinggil sa China at ano pa ang maitutulong ng US para igiit ang sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).