-- Advertisements --

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Vice Pres Kamala Harris na palakasin ang mutually beneficial partnerships sa pagitan ng Manila at Washington partikular sa hanay tulad sa digital inclusion at clean energy economy at security.

Ginawa ng dalawang lider ang commitment sa isang pulong na ginanap sa US Naval Observatory sa Washington, DC.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Harris sa “paglalatag ng batayan” para sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Joe Biden sa White House noong Lunes.

Ayon sa Pangulo lalong tumatag ang alyansa ng Pilipinas at Amerika matapos ang mga nangyaring bilateral meeting.

Sinabi ng Pangulo, mahalaga ang PH-U.S. at ang malinaw na papel ng dalawang bansa sa gitna ng mga pagsubok na dala ng post-pandemic economy at ng tensyon sa West Philippine Sea, Asia-Pacific, at Indo-Pacific region.

Binigyang-diin din ng chief executive na ang trade relations and partnership sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay dapat patuloy na muling bisitahin ng sa gayon kapwa makikinabang ang magkabilang panig mula sa mga hakbangin na ito.

Sa panig naman ni US Vice Pres Harris pinuri nito si Pang Marcos sa pagbibigay prayoridad nito sa mutual prosperiry at security ng dalawang bansa.

Ipinunto din ni Harris na lalo pang palalakasin ng 2 bansa ang ugnayan partikular ang iyu sa WPS sa pamamagitan ng pagpapaigting sa coast guard kaya mahalaga na magtulungan ang 2 bansa para tugunan ang maritime issue.

Siniguro naman ng Pang Marcos na magpapatuloy ang security cooperation ng Phil at US sa kabila ng tensiyon sa Asia Pacific Region.

Inihayag din ng Pangulo na ang provocative actions ng China sa West Phl Sea ay isang major issues na kahaharapin ng bansa.

Paliwanag ng chied execurive na ang cooperation sa US ay matagal na at nararapat lamang na ipagpatuloy.

Ipinunto nina Marcos at Biden ang pagtatag ng bagong edca sites sa bansa na lalong magpapaigting sa Philippine security at masuportahan modernization goals ng Armed Forces of the Philippines.