Nagka-usap kagabi sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at US VP Kamala Harris sa pamamagitan ng telepono.
Sa nasabing pulong binigyang-diin ni US Vice President Harris ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malakas na ugnayan sa pagitaan ng Pilipinas at Amerika lalo na at nagpapatuloy ang agression ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Harris na muli silang nangangako na suportahan ang Pilipinas sa laban nito hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Ang phone call meeting nina PBBM at Harris ay kasunod sa isinagawang trilateral phone conversation nina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru.
Sinabihan ni Harris si Pang. Marcos na batid nito na mayruong bipartisan support mula sa Kongreso ng Amerika.
Bilang tugon dito, nagpasalamat si PBBM sa Pangalawang Pangulo ng Amerika, aniya lalong lumalakas at nagiging produktibo ang partnership ng Pilipinas at Amerika.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos sa pulong nila ni Harris na ang paglagda sa trilateral agreement sa Washington ay malaking tulong sa pagbabago ng dynamic sa West Philippine Sea at Indo-Pacific region.
Aniya ang trilateral ties ng tatlong bansa ay kinilala na sa ASEAN region na nagpapalawak sa kanilang posisyon kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Pinuri naman ni Pang. Marcos si Harris sa kaniyang mga naging kontribusyon sa Pilipinas.
Partikular na ipinunto ng Pangulo ang economic, diplomatic, defense and security levels, na kaniyang diniscribe bilang “terribly encouraging.”
Bago nagtapos ang phone call, muling inimbitahan ni PBBM si Harris na magtungo sa Pilipinas.