-- Advertisements --

Naging agaw-pansin sa kanilang muling pagkakasama sa entablado sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, sa pagdalo nila sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA).

Lalong kina-aliwan ng marami ang dalawa nang mag-beso, tanda ng kanilang pagbati.

Matatandaang naging isyu ang samahan ng dalawa sa Team Unity dahil sa pagbatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pres. Marcos.

Habang bumwelta rin naman si First Lady Liza Marcos sa mga Duterte, maging kay VP Sara.

Naniniwala naman ang ilang political analyst na nakakatulong sa Marcos administration ang pananatiling visible ng closeness ng dalawang opisyal, para maiwasan ang ganap na pagkakahati-hati ng mga dating sumuporta sa kanilang tambalan.