-- Advertisements --

Nagpakita pa rin ng closeness si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa isa’t isa kahapon sa ginanap na graduation ceremony ng Philippine National Police Academy sa Silang Cavite.

Personal nga na dumalo si PBBM at VP Sara sa naturang event at lantarang nagngingitian ang dalawa, nag beso pa sa isat-isa habang magkatabi naman ito sa kanilang upuan.

Ito ay sa kabila ng naging pagbubunyag ni First Lady Liza Araneta-Marcos tungkol sa real score sa pagitan nila ng Bise Presidente.

Ayon sa unang ginang, bad shot na sa kanya si VP Sara matapos umanong ngumiti si VP Sara nang akusahan ng kanyang ama na si dating PRRD si PBBM na bangag.

Dahil aniya dito ay masama na ang kanyang loob sa naturang bise presidente.

Kung maaalala, sa mga naging departure at arrival ng Pangulong Marcos at tila ba hindi na nagpapansinan ang unang ginang at si VP Sara.